Patuloy na inaalala at binibigyang-pugay ng Bayan ng Naic ang kabayanihan ng ating mga beterano ngayong ika-84 na paggunita ng Araw ng Kagitingan.
Seremonya
Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at Vice Mayor Jacinta Remulla, kasama ang mga kinatawan ng iba't ibang asosasyon ng mga beterano, ang seremonya ay ginanap sa Monument at the Intersection sa Brgy. Ibayo Silangan ngayong Huwebes, April 9, 2026.
Pagkilala
Sa araw na ito, muli nating pinagtitibay ang ating pagkilala at pasasalamat sa sakripisyo at tapang ng ating mga bayani, isang inspirasyon para sa bawat Naicqueño na patuloy na maglingkod at magmahal sa bayan.



