Nakipagpulong kay Yorme Rommel Magbitang ang Bureau of Fire Protection (BFP) - Naic Fire Station sa pangunguna ni FSINSP Marvin Mejia kasama ang mga Municipal Fire Marshal.

Ipinagkaloob na din ni Mayor Rommel Magbitang ang karagdagang kagamitang bokyo na handog mula kay Congresswoman Aniela Tolentino.

Para kay Yorme, napaka-importanteng mag-dagdag ng kagamitan ang BFP Naic upang mas mabilis na maka-tugon sa oras ng pangangailangan.

Lubos naman ang pasasalamat ng BFP-NAIC para sa karagdagang kagamitang kanilang natanggap.