Nagtungo nitong Huwebes, Hulyo 10, 2025, ang Muslim Community of Naic upang magpakita ng suporta at pasasalamat kay Yorme Rommel Magbitang.
Kasunod nito, nakipagpulong si Yorme Magbitang sa Federation of Person with Disability. Ilang programa ang inilapit ng grupo kay Yorme Magbitang, kabilang ang:
- Livelihood programs
- PWD Program
- SPED School programs
Nangako naman si Yorme Magbitang na magiging katuwang niya sa mga programang isasagawa ng grupo.



