Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, isinagawa ang lingguhang Flag Raising Ceremony bilang bahagi ng patuloy na pagsasabuhay ng disiplina, pagkakaisa, at pananagutan sa paglilingkod sa Bayan ng Naic.

Dumalo sa nasabing gawain sina Konsehal Rodrigo Rod Castillo, Konsehal Raymond Senia, at Municipal Administrator Rodolfo Uy III, kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng matatag na pamumuno at kolektibong pagtutulungan sa pagpapatupad ng maayos at tapat na serbisyo para sa mga Naicqueño.