Sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang sa mga kabataang Naicqueño, nagsimula nang maaga ang pamamahagi ng school bags sa mga mag-aaral ng Petronilo L. Torres Memorial Elementary School ngayong Lunes, Enero 19, 2026, sa Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Kasama ni Mayor Rommel Magbitang si PLtCol. Jefferson Parra Ison, na sumasalamin sa nagkakaisang layunin ng pamahalaang bayan at kapulisan na maghatid ng konkretong tulong at malasakit sa ating mag-aaral.

Ang gawaing ito ay patunay ng sama-samang pagkilos upang matiyak na may sapat na suporta ang ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral at sa patuloy na paghubog sa kanila bilang responsableng mamamayan ng Bayan ng Naic.