Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang ang pagpupulong ng Local Development Council na ginanap sa Triple 8, Brgy. Sabang, Naic, nitong umaga, kasama ang ating DILG MLGOO Christine Sierra, Municipal Administrator Rodolfo Uy III at iba pang mga opisyal at kinatawan ng iba’t ibang samahan.

Tinalakay ang mga planong nakatuon sa pagpapaunlad ng mga barangay, pagpapatibay ng mga proyekto para sa imprastruktura, at pagsasaayos ng mga programang makakatulong sa mas ligtas at mas progresibong bayan ng Naic.