Dumalo si Mayor Rommel Magbitang sa Cavite Mayors' League Meeting na ginanap sa Via Domus Amadeus, Amadeo, kasama ang mga kapwa punong-bayan ng Cavite.

Tinalakay at ibinahagi sa pagpupulong ang mga updates, pananaw, at karanasan sa local governance, na nagsisilbing daan para sa mas maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan para sa mga Caviteño.