Matagumpay na isinagawa ngayong Huwebes, Setyembre 24, 2026, sa Bancaan Covered Court, Naic, Cavite ang Birth Registration Assistance Project na naglalayong ilapit sa ating mga kababayan ang libreng pag-aayos ng birth certificate at mahahalagang dokumento.

Lubos ang pasasalamat sa Office of the Municipal Civil Registrar at sa lahat ng nakiisa at sumuporta para sa matagumpay na serbisyong ito para sa bawat pamilyang Naicqueño!