Malapit nang umarangkada ang modernong bus ng CAMIATRANSCO na nag-courtesy call, araw ng Biyernes, Hulyo 11, 2025, sa opisina ni Yorme Rommel Magbitang. Ang CAMIATRANSCO ay may 5 unit ng modernong bus na aarangkada sa rutang Naic to Cavite City at Naic to Zapote.
Ayon sa kumpanya, kasalukuyan pang inaayos ang kanilang magiging terminal sa Bayan ng Naic. Kapag nagsimula na ito, umaasa silang makakatulong sila sa mga Naicqueñong commuters na makasakay nang maginhawa at maayos sa kanilang mga modernong bus.



