Matagumpay na naisagawa ang Regional Launching ng Nutrition Month Celebration sa Naic.
Isinagawa nitong Martes, Hulyo 15, 2025, sa Naic Covered Court, Brgy. Capt. C. Nazareno, ang programa na may temang “Puro Kalusugan: FARM to TABLE for GOOD” bilang bahagi ng Regional Launching ng Nutrition Month Celebration in the Municipality of Naic.
Ayon sa ating Rural Health Unit (RHU), 437 katao ang nakiisa at nakinabang sa iba't ibang libreng serbisyong medikal na handog ng programa.
Mga Serbisyong Ibinigay at Bilang ng Nakinabang
- Flu Vaccine:
- Senior Citizens – 130
- Persons with Disability (PWD) – 73
- With Comorbidities – 41
- Family Planning Services – 11 women of reproductive age
- Non-Communicable Disease Services (with free medicines) – 63
- Child Immunization – 20 children
- Nutrition Services – 100 recipients
- CBC at HIV Testing for Pregnant Women – 37
Lubos ang pasasalamat ng ating mga kababayan sa programang ito na handog ng Department of Health (DOH) katuwang ang ating RHU–Naic.
Ang tunay na malasakit sa kalusugan ay nagsisimula sa serbisyong tapat at abot-kamay ng mamamayan.



