Naganap ngayong Huwebes, Hunyo 25, 2026, sa Stadium Shopping Strip ang Signing of Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic at Department of Migrant Workers (DMW), sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang kasama si Konsehal Ryan "Wakay" Flores.

Layunin ng kasunduan na higit pang mapalakas ang mga programa at serbisyong nakalaan para sa kapakanan ng ating mga migranteng manggagawa at kanilang mga pamilya.