Naganap nitong Huwebes, June 25, 2026, sa Naic Town Plaza ang Pride Month Celebration at Pride March bilang pagkilala sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay, respeto, at inklusibong komunidad.

Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang sa programa bilang pagpapakita ng suporta ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga adbokasiyang nagsusulong ng paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat isa.