Naganap nitong June 19, 2026 sa Daluyan, Brgy. Malainen Bago ang pagdiriwang ng Naic Migrant Workers Day, sa pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang at Konsehal Ryan Wakay-Flores kasama ang ating mga migrant workers at kanilang mga pamilya.

Ang programa ay isinagawa bilang pagkilala sa mahalagang ambag at sakripisyo ng ating mga OFW at migrant workers para sa kanilang pamilya, komunidad, at sa Bayan ng Naic.