Mas pinasigla pa ang gabi sa Day 4 ng Naic Posible Food Bazaar. Dumagsa ang mga bisita upang tikman ang masasarap na putahe, makisaya sa musika, at maramdaman ang masiglang diwa ng komunidad sa paligid ng Naic Municipal Hall.

Patuloy nating tangkilikin at suportahan ang mga lokal na negosyong Naicqueño na nagsisilbing inspirasyon at puhunan ng pag-asenso ng ating bayan. Halina't makisalo sa Day 4 ng Naic Posible Food Bazaar Season 1.

Iskedyul

Petsa Oras Lugar Tala
Hanggang Nobyembre 30, 2025 5:00 PM – 9:30 PM Harap ng Naic Municipal Hall Naic Posible Food Bazaar Season 1
Weekends lamang 3:00 PM – 8:00 PM Sa tapat ng NIA, katabi ng Naic Municipal Hall BATANG NAIC – The Art & Craft Pop-Up