Isinagawa ng Naic Municipal Fire Station ang National Simultaneous Fire Drill nitong Marso 3, 2026 (Martes) sa Waltermart Sabang, Bayan ng Naic, Cavite.

Makakatulong ang aktibidad na higit pang palakasin ang kahandaan ng mga establisyimento at ng ating mga Naicqueño sa oras ng emergency, lalo na sa mga lugar na may mataas na bilang ng tao. Nakiisa sa drill ang mga empleyado, security personnel, at mga mamimili sa Waltermart upang masanay sa maayos at ligtas na proseso ng paglikas at pagsunod sa mga fire safety procedures.