National Social Pension Program para sa ating mga senior citizen
Isinagawa ngayong September 17, 2026 sa Naic Town Plaza ang pamamahagi ng National Social Pension para sa mga kwalipikadong senior citizen ng Bayan ng Naic.
Nakiisa rin si Mayor Rommel Magbitang sa aktibidad upang makumusta at masiguro na maayos ang programa.
Patuloy ang pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga programang nagbibigay suporta sa ating mga nakatatanda.



