Isinagawa ang Medical at Burial Assistance ng mga kwalipikadong benepisyaryo noong Setyembre 17, 2026 sa Naic Town Plaza. Dumalo rin si Mayor Rommel Magbitang sa programa para magbigay suporta at siguraduhin na maayos ang daloy ng programa.

Layunin ng programa

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na naihahatid ang kinakailangang tulong sa mga Naicqueño na dumaraan sa panahon ng pangangailangan. Ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ay patuloy sa pagsuporta sa mga programang nagbibigay konkretong tulong at serbisyo sa mga pamilyang nangangailangan.