Maligayang Kaarawan, Augusto A. Gonzales!

Ipinagdiriwang ang espesyal na araw ng ating Department Head, Municipal Government Department Head I ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Isa siyang tunay na halimbawa ng dedikasyon, pagiging handa, at malasakit sa serbisyo publiko, palaging maagap sa pagtugon sa emergencies at sa pagpapaayos ng mga programa para sa kaligtasan ng bayan ng Naic.

Dalangin namin ang mas mahabang buhay, kalusugan, at patuloy na gabay ng Panginoon sa kanyang paglilingkod para sa ating lahat. Maraming salamat sa inspirasyon at walang sawang serbisyo!