Matagumpay na isinagawa ang Gender Sensitivity Training kung saan tinalakay ang mahahalagang isyu tungkol sa kasarian at iba't ibang uri ng pang-aabuso. Nitong Miyerkules, Disyembre 3, sa ABC Hall, Naic, Cavite.

Mga detalye

Sa pangunguna ng Gender and Development Office, katuwang si Ms. Richelle Aguilar mula sa DSWD Region IV-A, tinalakay ang paglalayong maituwid ang mga nakasanayang gender stereotypes at itaguyod ang paggalang, pagkilala, at pantay na oportunidad para sa lahat ng mamamayan sa Bayan ng Naic.

Patuloy na sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang mga programang nagtataguyod ng isang ligtas, makatarungan, at mas inklusibong komunidad para sa bawat Naicqueño.