Isang makabuluhang pagkakataon para sa Bayan ng Naic ang naging pagbisita ni Mayor Strike B. Revilla sa tanggapan ni Mayor Rommel Magbitang nitong Huwebes, Setyembre 18, 2025.
Nagkaroon sila ng pagkakataon na makapagbahagian ng pananaw, at magbigay-pugay bilang kapwa lingkod-bayan na naglalayong magsilbi para sa kapakanan ng mga Naicqueño at ng buong Bayan ng Naic.
Ang ganitong uri ng pakikipag-isa at pagtutulungan sa pagitan ng mga pamahalaang lokal ay mahalaga sa pagpapatibay ng samahan, at isang paalala na sa kabila ng kani-kaniyang nasasakupan, iisa ang ating layunin: ang maglingkod nang tapat para sa bawat Naicqueño at para sa ikabubuti ng Bayan ng Naic.



