Bumaba ngayong alas-5 ng umaga si Yorme Rommel Magbitang sa Naic Public Market upang kumustahin ang mga tindera ukol sa sitwasyon ng palengke.
Sa pakikipag-usap ni Yorme, inalam niya ang mga problemang kinakaharap ng mga tindera at ang mga agarang solusyon para dito.
Nakipag-kumustahan na din si Yorme Magbitang sa mga mamimili at mga miyembro ng Toda na ikinatuwa ang kanyang pagbisita sa Palengke.



