Turnover Ceremony sa Bayan ng Naic
Isang bagong yugto ang sinimulan ngayong araw, isang makabuluhang pagsasalin ng tungkulin, pananagutan, at serbisyo para sa mamamayang Naicqueño.
Kasama sa seremonyang ito ang buong liderato na inihalal ng taong bayan, mula kay Mayor Rommel Magbitang, Vice Mayor Jacinta Remulla, hanggang sa mga bagong konsehal na handang maglingkod ng buong puso.
Naroon din ang suporta ng masisipag na department heads, at mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya.
Sama-sama nating isulong ang Naic na mas maayos, mas progresibo, at mas makatao.
Dahil sa Naic... POSIBLE!



