Ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic na, batay sa opisyal na sertipikasyon ng Municipal Local Finance Committee (MLFC), walang anumang disbursement o paglalabas ng pondo ng bayan ng Naic ang isinagawa kaugnay ng concert para sa nalalapit na Foundation Day celebration.

Ang sertipikasyong ito ay inilabas ngayong ika-14 ng Abril 2026 bilang patunay ng patuloy na pagsunod sa mga alituntunin ng transparency, accountability, at wastong pamamahala ng pondo ng bayan.

Mananatili ang Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagsusulong ng isang bukas, tapat, at responsableng pamamahala para sa kapakanan ng bawat Naicqueño.