Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP) – LGU Compliance Audit

Nagkaisa ang bawat sektor sa isinagawang 2025 Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP) – LGU Compliance Audit, patunay ng ating patuloy na pagkilos para sa kalinisan at kaayusan ng bayan ng Naic. Ipinapakita nito ang ating dedikasyon sa pangangalaga ng kalikasan para sa susunod na henerasyon.

Lubos ang aming pasasalamat sa ating mga bisita at validators sa paglalaan ng oras at suporta upang higit pang mapalakas ang ating mga programa. Sama-sama, patuloy nating isusulong ang isang malinis at maayos na Naic.