Naganap ang Paralegal Training on Coastal and Fishery Law Enforcement para sa Bantay Dagat nitong Marso 18, 2026, sa Torres Farm Hotel and Resort, Governor's Drive, Brgy. Sabang, Naic, Cavite.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga mahahalagang paksa tulad ng RA 10654, tamang paghawak ng ebidensya at seized items, pati na ang disposal procedures at legal forms, upang higit na mapalakas ang kakayahan ng ating mga Bantay Dagat sa pagpapatupad ng batas.



