Sa pangunguna ni Yorme Rommel Magbitang, matagumpay na isinagawa ang Employee's and Retiree's Recognition Night nitong Miyerkules, Oktubre 22, at Huwebes, Oktubre 23, 2025, sa Hotel Casiana and Events Place, Tagaytay City.
Isang gabi ng pagkilala at pasasalamat para sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, mga lingkod-bayan na patuloy na nagbibigay-serbisyo nang may malasakit at dedikasyon.
Binigyang-pugay ang mga retiree na sina Mary Anne Bautista, Gloria Bago, Marissa P. Mendoza, at Marieta Jocson, bilang pagkilala sa kanilang mga taon ng tapat na paglilingkod sa bayan.
Kasabay nito, ginawaran din ng 10-Year Loyalty Awards ang mga kawani na naglingkod nang tapat at tuluy-tuloy sa loob ng sampung (10) taon, isang patunay ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa paglilingkod para sa mga Naicqueño.
Isang gabi ng inspirasyon, pagkakaisa, at pasasalamat, patunay na sa Bayan ng Naic, pinahahalagahan ang bawat lingkod-bayan.



