Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at pakikipagtulungan ng Pamahalaang bayan ng Naic, ikinagagalak nating makita ang ating mga Batang Naicqueño na ginagamit ang kanilang talento sa digital world.

Sa ginanap na "Empowering Youth Leaders Through Creative Digital Designs" Canva Training, natutunan ng ating mga youth leaders kung paano maging creative, strategic, at digitally empowered sa paggawa ng mga disenyo at impormasyon para sa komunidad.

Sa panahon ngayon, hindi lang boses ang puhunan ng lider, dapat marunong din lumikha at magpahayag ng makabuluhang mensahe.