Revenue Code Seminar, Day 3

Naganap ang ikatlo at huling araw ng Revenue Code Seminar nitong Mayo 6, 2026, sa Torres Farm, Brgy. Sabang, Naic, Cavite, sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang at mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic.

Layunin ng seminar na mas mapalalim pa ang kaalaman at talakayan kaugnay ng local revenue code bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng mahusay at maayos na serbisyo publiko para sa bawat Naicqueño.