Flu Vaccine Caravan para sa Senior Citizens at PWD
Bilang pagpapahalaga at pag-aalaga sa ating mga nakatatanda (Senior) at Persons with Disability (PWD), ang ating lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office ay magsasagawa ng isang libreng Flu Vaccine Caravan upang makatulong sa pagprotekta laban sa trangkaso at iba pang komplikasyon nito.
Inaanyayahan po namin ang lahat ng Senior Citizens at PWD na makiisa at magpabakuna sa ating gaganaping aktibidad:
| Petsa | Oras | Venue |
|---|---|---|
| Mayo 14, 2026 | 8:00 AM – 12:00 NN | Naic Municipal Covered Plaza |
- Libreng Flu Vaccine
- Para sa Senior Citizens at PWD
- Ligtas at maayos na vaccination process
- First Come, First Serve basis (1st 500)
Mahalaga ang bakuna upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating sarili, lalo na ang mga kabilang sa vulnerable sector. Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, mas mababawasan ang panganib ng malubhang sintomas ng trangkaso at mapoprotektahan hindi lamang ang sarili kundi pati ang ating pamilya at komunidad.
Paalala:
- Magdala ng valid ID
- Dalhin ang vaccination card kung mayroon
- Magsuot ng komportableng kasuotan
- Dumating nang maaga dahil limitado lamang ang bilang ng bakuna
Ang aktibidad na ito ay patunay ng ating patuloy na malasakit at pagbibigay-priyoridad sa kalusugan ng ating mga Senior Citizens at PWD.
Sama-sama nating isulong ang isang mas ligtas, mas malusog at mas protektadong komunidad!
