Idinaos ngayong September 28, 2026 sa Naic Town Plaza ang World Rabies Day Celebration 2026, kasama ang Office of the Municipal Veterinarian at Rural Health Unit (RHU), para sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa rabies prevention at responsible pet ownership.

Nakiisa rin sa aktibidad sina Mayor Rommel Magbitang, Konsehal Ryan “Wakay” Flores, at Konsehal Rodrigo “Rod” Castillo bilang suporta sa mga programa para sa kalusugan at kaligtasan ng mga alagang hayop at komunidad.