Patuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pamamagitan ng dalawang araw na SSS Caravan ng Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang Social Security System (SSS), sa Oktubre 27 at 28, 2026.
Sa pamamagitan ng programang ito, mas nailalapit sa ating mga kababayan ang mga serbisyo at transaksyon ng SSS, nang hindi na kinakailangang lumayo pa sa bayan.



