Matagumpay na isinagawa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, ang Solid Waste Management Seminar sa Barangay Bancaan.
Sa pamamagitan ng seminar na ito, mas napalalim ang kaalaman ng mga Naicqueño sa wastong pamamahala ng basura para sa isang malinis at maayos na komunidad.



