Tumanggap ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ng Certificate of Recognition sa ika-5 SubayBAYANI Awards 2026 ng DILG CALABARZON, na ginanap nitong Oktubre 28 sa Twin Lakes Hotel, Tagaytay City.

Personal na tinanggap ni Mayor Rommel Magbitang ang pagkilala, kasama sina Mrs. Christine B. Sierra, MLGOO, at Mr. Ian Bustamante ng Office of the Municipal Engineer. Ang pagkilalang ito ay para sa mga kawani ng pamahalaang patuloy na naglilingkod para sa mga Naicqueño.