Ibinahagi ni Mayor Rommel Magbitang sa Flag Raising Ceremony sa Naic Municipal Hall, Oktubre 26, 2026, ang magandang balita para sa mga Seasonal Farmer ng Naic. Personal niyang dinalaw ang mga Seasonal Farmer sa South Korea at nakipag-usap sa mismong siyudad na host ng mga manggagawa.
Karagdagang request at oportunidad
Nagkaroon din ng karagdagang request ang mga Seasonal Farmer mula sa Bayan ng Naic, at inaasahang magpapatuloy ang pagkuha ng mga Seasonal Farmer sa mga susunod na panahon.
