Walang pasok

Dahil sa inaasahang patuloy na masamang panahon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) bukas, Biyernes, Agosto 7, 2026.

Modular/Online Learning

Bagamat walang klase, tuloy ang pag-aaral. Pansamantalang ipatutupad ang Modular/Online Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, ayon sa DepEd Order No. 022, s. 2024. Mag-shift sa modular distance learning upang masigurong tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng ating mga mag-aaral.

At sa mga kabataan, gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman. Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.

Paalala sa mga Naicqueรฑos

  • I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
  • Maghanda ng emergency kits.
  • Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
  • Lumikas kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.

Emergency hotlines

Ahensya Numero
MDRRMO Hotline 410-5725 / 0917-812-8186
PNP Hotline 0998-598-5621
BFP Hotline 0956-4830-226 / 0956-4830-753