Alternative work arrangement para sa mga opisina ng munisipyo
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 135 mula sa Office of the President, ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaan ng Naic na magkakaroon ng alternative work arrangement ngayong Huwebes, September 10, 2026, para sa lahat ng opisyales at empleyado ng munisipyo.
Pag-aaral ng mga mag-aaral
Para naman sa mga eskwelahan sa bayan ng Naic, walang klase. Pero tuloy ang pag-aaral! Pansamantalang ipatutupad ang Modular/Online Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, ayon sa DepEd Order No. 022, s. 2024.
Mga opisinang mananatiling on-site
Ang mga sumusunod na opisina ay pananatilihin ang kanilang on-site na operasyon upang masigurong tuloy-tuloy ang mahalaga at emergency na serbisyo sa ating mga kababayan:
- Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
- Municipal Health Office (MHO) / Rural Health Units (RHUs)
- Naic Traffic Management Office (NTMO)
- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
- Municipal Engineering Office (MEO)
- Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)
- General Services Office (GSO)
- Public Market / Market Administration
- Municipal Agriculture Office at Municipal Veterinary Services
- Security, Public Safety, at iba pang Emergency Response Personnel
- Iba pang opisina, units, o personnel na maaaring atasan ng Municipal Mayor, o ng kinauukulang Department Head
Paalala sa publiko
Hinihikayat din ang publiko na i-reschedule na lamang sa mga susunod na araw ang mga hindi naman emergency na transaksyon sa munisipyo.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Maging ligtas ang lahat.
