Walang Pasok
Alinsunod sa Proclamation No. 1264 ng Malacañang, walang pasok sa buong bansa sa darating na Miyerkules, Mayo 27, 2026, bilang paggunita sa Eid'l Adha.
Nawa'y magsilbi rin itong panahon para sa pahinga, pagninilay, at pakikiisa sa diwa ng pagkakaisa at paggalang sa isa't isa. Eid Mubarak!
Paalala
Bukas pa rin ang mga tanggapan para sa emergency at agarang serbisyo tulad ng MDRRMO, PNP, BFP, at iba pang response units upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa ating mga Naicqueño.
