Malugod na tinanggap ni Mayor Rommel Magbitang si Roel S. Bersamina, ang bagong Acting Election Officer ng COMELEC Naic, Cavite, ngayong July 7, 2026.

Naging pagkakataon ang kanilang pagpupulong upang maipahayag ang mainit na pagtanggap at mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic at ng Commission on Elections (COMELEC) para sa patuloy na maayos na paglilingkod sa mga Naicqueño.