Matagumpay na isinagawa noong Lunes, Hulyo 6, 2026, sa Naic Town Plaza ang State of the Municipality Address (SOMA) sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kasama sina Vice Mayor Jacinta Remulla, Konsehal Rodrigo Castillo, Konsehal Ryan Wakay-Flores, mga kawani mula sa Sangguniang Bayan at iba pang ahensya sa Bayan ng Naic.
Mga Ibinahagi
Ibinahagi ni Mayor Rommel Magbitang ang mga naging programa, proyekto, at iba pang inisyatiba ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic na naisakatuparan para sa kapakanan ng mga Naicqueño. Inilahad din ang mga plano at pangunahing layunin ng lokal na pamahalaan upang maipagpatuloy ang pagiging progresibo ng bayan ng Naic.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa paghahatid ng tapat, maayos, at makabuluhang serbisyo para sa bawat Naicqueño.



