5 araw na lang

Nasa "halfway" na tayo ng ating countdown at damang-dama na ang matinding pananabik sa hangin! Pinagtitibay nito ang mensahe ng pagkakaisa na nananalaytay sa dugo ng bawat Naicqueño. Ang selebrasyong ito ay hindi lamang para sa atin ngayon, kundi isang pamana para sa susunod na henerasyon sa bayan ng Naic.

Tayo ang magsisilbing tulay upang matiyak na ang ating mga apo ay makakakita pa ng mga pawikang malayang lumalangoy sa isang malinis at ligtas na karagatan ng bayan ng Naic.