6 araw na lang!
Walang humpay ang paghahanda sa bayan ng Naic para sa mga aktibidad na hindi lamang magbibigay ng saya, kundi mag-iiwan din ng mahalagang aral sa bawat dadalo. Ang bawat laro, sayaw, at programa ay idinisenyo upang patatagin ang ugnayan ng bawat Naicqueño sa ating inang kalikasan.
Huwag nating kalilimutan: ang pawikan ay mahalagang bahagi ng ating marine ecosystem. Ang kanilang kaligtasan ay salamin ng kalusugan ng ating bayan ng Naic, kaya’t ang kanilang pangangalaga ay tungkulin nating lahat.
