Lalong lumalapit ang araw ng pagpupugay sa ating yamang-dagat! Ipinagmamalaki ng bayan ng Naic ang hindi matatawarang dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang pangkalikasan na nagbibigay-buhay sa ating mga baybayin.
Ang Pawikan Festival ay hindi lamang para sa kasiyahan; ito ay isang adbokasiya para sa karagatan ng ating bayan ng Naic.
Layunin nating bawat Naicqueño na palakasin ang kamalayan at itanim sa puso ng bawat isa ang responsableng pagtrato sa ating kapaligiran upang manatiling lunti at masagana ang ating bayan ng Naic.
