Naganap ngayong Martes, Pebrero 3, 2026, ang Anti-Rabies Vaccination (ARV) sa Barangay Muzon. Pinangunahan ng Office of Municipal Agricultural and Biosystems Engineer (OMABE) kasama ang suporta ni Mayor Rommel Magbitang upang patuloy na mapangalagaan ang kalusugan ng mga alagang hayop at ng buong bayan ng Naic.
Binigyang diin sa programa ang kahalagahan ng responsableng pag-aalaga sa mga alagang hayop at patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagsasagawa ng mga ganitong hakbang upang maiwasan ang rabies at mapanatili ang kaligtasan ng bawat Naicqueño.



