Pinangunahan ni Yorme Rommel Magbitang ang matagumpay na pagsusumite ng Annual Investment Program (AIP) 2026, kasama ang Local Expenditure Program, Plantilla of Personnel Schedule (CY 2026), Special Education Fund (SEF) 2026, at iba pang kaugnay na dokumento.
Ginanap ito nitong Miyerkules, Oktubre 15, 2025, sa Sangguniang Bayan ng Naic.
Ang mga dokumentong ito ay naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng bawat Naicqueño, sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at tamang paggamit ng pondo upang matiyak na ang mga proyektong ipatutupad ay tunay na makikinabang ang bawat mamamayan ng Bayan ng Naic.



