Awarding of Checks para sa Sustainable Livelihood Program

Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Awarding of Checks para sa Sustainable Livelihood Program (SLP) sa Municipal Hall ng Naic.

Kasama rin sa aktibidad sina:

  • Mrs. Melanie Magarao, SLP Staff ng DSWD Region IV-A
  • Mrs. Elma T. Valenzuela, Municipal Agriculturist mula sa Office of the Municipal Agriculturist and Biosystems Engineer (OMABE)
  • Ms. Cristina P. Ilagan, MSWD Officer ng Naic, na kinatawan ng DSWD

Layunin ng programang ito na magbigay ng tulong-pinansyal sa mga samahan tulad ng Malabasa SLPA (Sustainable Livelihood Program Association) at Mangingisda ng Timalan Concepcion, upang mapaunlad ang kanilang hanapbuhay at kabuhayan ng bawat Naicqueño.