Alinsunod sa direktiba ng Provincial Government, walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa buong Cavite simula Oktubre 15 hanggang Oktubre 18, 2025 (Miyerkules hanggang Sabado), bilang bahagi ng pag-iingat laban sa Influenza-Like Illness (ILI).
Gayon pa man, mag-iikot bukas (Miyerkules, Oktubre 15, 2025) ang ating LGU team sa iba't ibang paaralan dito sa Naic upang magsagawa ng inspection at disinfection activities.
Layunin natin na masiguro ang kalinisan, kaligtasan, at kahandaan ng ating mga paaralan sa pagbabalik ng klase.
Patuloy rin tayong nakikipag-ugnayan sa ating RHU at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite para sa mga karagdagang rekomendasyon at hakbang sa kalusugan.
Sa mga mag-aaral at kawani, ating hinihikayat na mag-facemask at uminom ng vitamins.
Panatilihin nating ligtas at malusog ang ating paaralan at komunidad.
