Biyernes, Setyembre 11, 2026, isinagawa ang Blessing, Ribbon-Cutting, at Turnover Ceremony ng bagong three-storey, nine-classroom school building sa Timalan Hills View Integrated School.

Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang sa programa bilang pagpapakita ng kanyang patuloy na suporta sa edukasyon at sa mga hakbang na nagbibigay ng mas maayos na learning spaces para sa bawat batang Naicqueño.

Kinikilala ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang JVR Foundation Inc. sa kanilang mahalagang donasyon at ambag para sa edukasyon ng mga kabataang Naicqueño.