Isinagawa nitong Oktubre 26, 2026 ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng three-storey, nine-classroom school building sa Munting Mapino Elementary School, Barangay Munting Mapino, Naic, Cavite.

Ang proyektong ito ay mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, sa pangunguna ni Governor Abeng Remulla.

Dinaluhan ang seremonya nina Mayor Rommel Magbitang, Vice Mayor Jacinta Remulla, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at dating Mayor Raffy Dualan.

Sa pagtatayo ng bagong tatlong palapag na gusali, madaragdagan ng siyam na silid-aralan ang paaralan upang makatulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral para sa mas maayos, ligtas, at komportableng lugar ng pag-aaral.

Isa na namang mahalagang hakbang para sa mas magandang kinabukasan ng mga batang Naicqueño!