Mga kababayan, pagkakataon niyo na upang direktang makuha ang mga serbisyong gobyerno na malapit sa inyong tahanan.

Sa pangunguna ng PESO Naic, gaganapin ang Barangay Serbisyo Day upang mas mapabilis at mapadali ang inyong mga transaksyon sa iba't ibang ahensya.

Iskedyul

Petsa Oras Barangay Lugar
Martes, Mayo 19, 2026 Magsisimula sa ganap na 9:00 AM Malainen Luma Covered Court, Brgy. Malainen Luma, Naic, Cavite

Ahensyang maghahatid ng serbisyo at konsultasyon

  • PSA (Philippine Statistics Authority)
  • MCR (Municipal Civil Registrar)
  • PAG-IBIG Fund
  • SSS (Social Security System)
  • PHILHEALTH

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maayos ang inyong mga dokumento at benepisyo nang hindi na kailangang lumayo. Siguraduhin lamang na magdala ng inyong mga valid ID at kaukulang requirements para sa inyong mga transaksyon.

Patuloy ang ating pagtutulungan para sa mas mabilis at maayos na serbisyo para sa bawat Naicqueño!