Naganap nitong May 15, 2026 sa Triple 8, Barangay Sabang ang Blood Chem Activity at PhilHealth Yakap Caravan sa inisyatiba ni Congresswoman Aniela Tolentino, katuwang ang Ospital ng Tagaytay, City Health Office, at Municipal Health Office (MHO), bilang bahagi ng patuloy na serbisyong pangkalusugan para sa mga Naicqueño.

Serbisyong naipagkaloob

Naipahatid sa mga benepisyaryo ang libreng blood chemistry screening at PhilHealth assistance na nakatutulong sa mas maagang pagtukoy ng kondisyon sa kalusugan at pagpapalawak ng access sa serbisyong medikal.